- Lyrics
- Album list
Akdmians
-
Pagibig ko sayo
(feat. Sane and jaythugs)
Cruel.whun:
Magsimula nang mahangad anghel na langit nag bigay Nagsimula na nga agad ang pangarap na ika'y Makapiling,makasama habang buhay habang panahon Hiling ay natamasa nandiyan ka kaya nag ka ganon
Sana di magtago kasiyahan na dinulot Haharap sa'yong magulang hihingi ng pahintulot Na sumama sa simbahan nang masaksihan Makasama ka at di kayang pag taksilan
Maintindihan mo sana ang aking hangarin Ika'y pagsilbihan di na puwede pang harangin Nang kung sinong magbalak na sa atin humadlang Luha man ay pumatak para sayo ay ayos lang
Sinta handa akong limutin ang nakaraan Upang malaman mong ako sayo'y nakalaan Pagsubok ng mundo ngayon sabay nating tatahakin Gano man kahirap ang daan ay aking lalakarin
Chorus: Hora ashimoto wo mite goran Kore ga anata no ayumu michi Hora mae wo mite goran Are ga anata no mirai
Flizzy.whun:
Alam mo bang matagal na kitang iniibig Ang puso ko palaging ikaw ang tinitinig Sa bahay namin dito ikaw lang ang paborito Di ako maiinip kahit kanina pako rito
Ikaw ang nagpadama sakin kung pano mag mahal daig ko pa ang presidente na bago lang nahalal Kasi, boto ka sa akin at ikaw lang ang dasal Ang laging hinihiling sana sa'kin ka makasal
Kahit ano ang hilingin mo akin tong ibibigay Kapag kwentuhan na ng tropa ang sabi ng bibig ay Mahal ko talaga siya at wala ng magbabago Kahit pa na minsan ay sa tatay mo ay nagtatago
Sana tanggapin pa din kahit na medyo mahiyain Lagi namang magsisikap para lang may maihain Sana wag ka nang malayo pagkat ang puso ko'y sinanay Papakilala ka pa rin kahit na nagpupusoy si nanay
Chorus:
Hora ashimoto wo mite goran Kore ga anata no ayumu michi Hora mae wo mite goran Are ga anata no mirai
Sane: Find more lyrics at ※ Mojim.com Ang awitin kong ito ay alay ko sa'yo mahal Mapakinggan mo sana to kahit medyo nauutal Nagsimula ang ating istorya nang hindi inaasahan Na tayo'y magtatagal at mahuhulog ng biglaan
Lahat sakin nagbago mula nang makilala ka Ang buhay kong walang sigla ay binigyan mo nang saya Ikaw ang bumuo sa puso ko na noon ay sugatan Liwanag sa aking mundo ikaw lamang ang dahilan
Tanging hiling ko lang sinta sana tayo ay magtagal Kahit na minsa'y magulo kasi ako'y isang hangal Ikaw na sana sa akin ang siyang nakalaan Pagkat tunay ang pag ibig na sayo lang naramdaman
Ano mang hirap at sakit ang aking maranasan Lahat ay kakayanin wag mo lang akong iwanan At ito ang huling salita na laging mong tandaan Kapit lang aking mahal di na muli pang bibitawan
Chorus:
Hora ashimoto wo mite goran Kore ga anata no ayumu michi Hora mae wo mite goran Are ga anata no mirai
Jaythugs:
Mahal kita, alam mo ba ikaw lang ang babae na Nirespeto ko ginalang tutol mang iyong ina At ama, at barkada mo na humadlang Pangako ko sayo kailanpaman hindi kita iiwanan
Di kita pababayaan buhay ko'y nakataya man Di kita malilimutan kahit pa ako'y yumaman Ikaw ang yaman ibinigay sa'kin ng Diyos At kung may aagaw sa'yo handa kong makipag tuos
Kaso sa baso parang lumunok lang ng dura Ginagawa ko tong tula habang ako'y natulala Iniisip ko kasi paano malulusutan Ang pinasok kong ito handa kitang panagutan
Kahit marami mang humarang o marami mang tumutol ang pagmamahal ni Jaythugs kailanmay di mapuputol Dahil handa akong magbago para lang sa'yo Basta pangako mo sa akin ako lamang ang mahal
Chorus:
Hora ashimoto wo mite goran Kore ga anata no ayumu michi Hora mae wo mite goran Are ga anata no mirai
Mirai e mukatte Yukkuri to aruite yuko
-
|